DOH Sec. Duque, pumalag sa pag-alis sa facility quarantine requirement ng international traveler sa bansa
Spread the news on:

Hindi umano nakonsulta ang Department of Health sa inilabas ng IATF na bagong panuntunan na nag-aalis ng facility quarantine sa mga papasok ng bansa.

Ayon kay secretary Francisco Duque III,  wala siya sa pulong ng IATF nang ilabas ang desisyon sa pag-aalis ng mandatory facility quarantine sa mga papasok ng bansa na kumpleto na ang bakuna at mula sa tinaguriang green countries.

Kaya naman idudulog niya ito sa IATF ngayong hapon.

Ayon kay Duque, nagawa aniya ito sa ibang bansa dahil 70 percent na ang bakunado sa kanila ngunit sa Pilipinas ay nasa 30 percent pa lamang.

Nababahala si Duque sa epekto ng pagpasok sa bansa ng mga biyahero sa mga paliparan na nasa mga lugar na mababa pa ang antas ng pagbabakuna at hindi sa NAIA na nasa Metro Manila na marami na ang may bakuna laban sa Covid 19.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.