Dating councilor at tv host, Jopet Sison, kapalit ni Kabayan Noli sa Aksyon Demokratiko
Spread the news on:

(Photo: Jopet Sison facebook)

Papalitan ni  dating Quezon City Councilor Atty. Joseph Peter “Jopet” Sison si dating vice president  Noli de Castro sa ilalim ng  Aksyon Demokratiko.

Ito ang kinumpirma ni Julius Leonen, hepe ng Manila PIO, at sinabing maghahain ng substitution sa Comelec si Sison .

Kahit hindi nakapaghain ng COC sa nagdaang filing, maari aniyang palitan si de Castro sa pagka-senador dahil kapwa sila kasapi ng Aksyon Demokratiko.

Si Sison ay una ring nakilala sa publiko bilang co-host ng ama na si Atty. Jose Sison sa programang Ipaglaban Mo.

Magiging unang substitute na kandidato sa halalang 2022 si Sison kung aapruhan ng Comelec.

Matatandaang kahapon ay iniatras ng batikang broadcaster na si De Castro ang kanyang kandidatura sa pagkasenador sa ilalim ng Aksyon Demokratiko.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.