Covid-19 cases, higit 7K pa rin ngayong araw; ikalawang pinakamababang kaso mula July 29
Spread the news on:

Nananatiling  nasa higit 7,000 pa rin ang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw.

Ngayong October 14, nagtala ang Department of Health ng 7,835 na bagong COVID-19 cases, ang ikalawang pinakamababang kaso simula noong July 29.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng gobyerno na ibinababa na sa Alert level 3 status ang Metro Manila simula sa October 16 hanggang 31.

Umakyat naman sa 2,698,232 cases ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Naitala naman ngayong araw ang total active cases sa 84,850 o 3.1 percent ng kabuuang bilang ng mga kaso.

Mayroon namang 5,317 na gumaling at 154 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 95.4% (2,573,161) na ang gumaling, at 1.49% (40,221) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 12, 2021.

Mayroon namang 4 na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.