30, iniwang patay ng bagyong Maring, ayon sa NDRRMC
Spread the news on:

Umabot na sa 30 ang namatay dahil sa bagyong Maring, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Labing-apat sa mga nasawi ay naiulat sa Ilocos Sur, siyam sa Benguet, apat sa Palawan, dalawa sa Cagayan at isa sa Pangasinan.

Bukod sa mga namatay, may labing-apat ding naiulat na nawawala.

May kabuuang 194,677 katao o 50,040 na pamilya ang naapektuhan ng bagyong Maring sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, Caraga at Cordillera.

 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.