WHO: Mga senior citizen na nabakunahan ng Sinopharm at Sinovac, dapat bigyan ng 3rd shot
Spread the news on:

(File photo)

Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang pagbibigay ng dagdag na dose ng bakuna kontra COVID-19 sa mga taong tinuturing na “immunocompromised”.

Sila iyong mga mababa ang immunity dahil sa iba’t ibang mga kondisyong medikal.

Ayon kay Kate O’Brien, WHO vaccine director, ang rekomendasyon nila para sa third vaccination ng mga “immunocompromised” ay base sa mga resulta ng ilang pag-aaral ngayon hinggil sa breakthrough infections.

Ito naman iyong mga kumpleto na ang bakuna kontra COVID-19 pero tinatamaan pa rin ng virus.

Inirerekomenda rin ng WHO Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) ang pagbibigay ng dagdag ng dose sa mga edad 60 pataas na nabakunahan ng mga China-made vaccine na Sinophar at Sinovac.

Dahil umano ito sa nakitang pagbaba ng bisa ng nasabing mga bakuna isa hanggang tatlong buwan matapos ang second dose.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.