Wanted na Taiwanese, arestado ng BI
Spread the news on:

Isang Taiwanese na wanted sa Taipei ang inaresto ng operatiba ng Bureau of Immigration (BI)  sa Real, Quezon.

Ayon sa  Bureau of Immigrations’ Fugitive Search Unit (FSU), ang 53-anyos na si Huang Kuan-Iay ay labimpitong taon nang nagtatago sa batas matapos niyang tangkaing patayin ang kaniyang kababayan.

Agad na pinuntahan ng mga taga-BI ang akusadong si Huang matapos makatanggap ng impormasyon sa kinaroroonan niya.

Bitbit din nila ang Warrant of Deportation para sa kanya.

Si Huang ay mayroon ding outstanding warrant na inisyu ng Hualien Prosecutor’s office sa Taiwan noong 2004.

“Aside from being an undesirable alien, he will also be deported for being an undocumented alien because his passport already expired in February 2019 and has not been renewed since,” ayon pa kay BI-FSU Acting Chief Rendel Ryan Sy.

Dagdag pa ni Sy, si Huang ay overstaying na sa bansa mula nang dumating ito sa Pilipinas noong April 2009 upang takasan ang ginawang krimen.

“He fled to the Philippines a year before a Taiwanese judge sentenced him to eight years in prison for attempted murder,” ayon kay Sy .

Sa impormasyon na ibinigay ng BI, si Huang ay napatunayang nagkasala sa pamamaril at lubhang pagkasugat ng kanyang biktima sa Hualien, Taiwan noong  2004 matapos ang kanilang mainitang pagtatalo.

Pansamantalang nakadetine ngayon sa  BI warden facility sa Taguig City ang akusado habang hinihintay ang kanyang deportation .

Ayon sa BI, ilalagay din sa immigration blacklist at pagbabawalan nang makapasok muli sa bansa si Huang.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.