Taas pasahe sa jeepney, tinutulan ni DOTr secretary Tugade
Spread the news on:

Hindi sang-ayon si Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade na magtaas-pasahe sa dyip ngayon.

“Ayaw ko ho ng increase ng mga plete (ng jeep) pagkat ang tatamaan ho diyan ay ‘yung nakararami,” tugon ni Tugade sa inihihirit na P3 taas-pasahe ng mga transport group bunsod na rin ng tumataas na presyo ng langis.

Giit niya, mas mainam na humanap ng iba pang paraan para maayudahan ang mga naghihirap na jeepney drivers sa pandemya.

Sa kabilang banda, nilinaw niya na hindi naman siya nakikipag-away sa mga tsuper pero iniisip niya lang umano ang kapakanan ng nakararami.

Sinabi naman ng Transport group na Pasang Masda na bukas naman sila sa ibang paraan tulad ng pagbibigay sa kanila ng fuel subsidies o diskwento kapag hindi papayagan ang taas-pasahe.

“Ang aming mga drivers po ay halos dumapa na sa pagha-hanapbuhay. Sa sunod-sunod pong pagtaas ng produktong petrolyo, marahil ito po’y isang bagay na dapat maunawaan din po ng ating mga mahal na mananakay,” ani Pasang Masda vice president Jojo Martin. 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.