Senado, pinasasagot ng SC tungkol sa petisyon ng kampo ni Linconn Ong ng Pharmally
Spread the news on:

Pinasasagot Supreme Court ang Senado sa petisyon na inihain ng kampo ni Linconn Ong, ang director ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, kaugnay ng patuloy niyang pagkaka-detine sa senado.

Ayon kay Brian Hosaka, tagapagsalita ng Supreme Court, kailangang mag-komento ng senado sa main petition at request for temporary restraining order.

“As per Chief Justice Alexander Gesmundo, the respondents in the petition filed by Linconn Ong were required by the Court to file their comment to the main petition and prayer for TRO,” sabi pa ni Hosaka  sa mga reporter.

Matatandaang noong October 7, hiniling ng kampo ni  Ong sa Korte Suprema na pakawalan na siya ng senado.

Ang mga respondent sa petisyon ay sina Senate Blue Ribbon committee chairperson, Senator Richard Gordon; Senate President Vicente Sotto III; at retired Major General Rene Samonte, ang Senate sergeant-at-arms.

Sa hiwalay na pahayag naman, sinabi nina Sotto at Senate Minority Leader Franklin Drilon na kumpiyansa silang papanigan ng SC ang pag-detine ng senado kay Ong.

“There are a number of decisions and jurisprudence established from the SC favoring the Senate on that aspect,” sabi ni Sotto sa text message sa mga reporter.

Ayon naman kay Drilon, ang pagkaka-detine kay Ong ay tama lamang hanggang sa sagutin niya ang mga tanong ng mga senador.

“I am confident that on the basis of decided cases since Arnault v Nazareno in 1950, the Senate is legally correct in detaining Ong until he answers our questions.”

Si Ong ay nasa kostudiya na ng senado simula pa noong September 21 matapos siyang  ma-cite in contempt dahil sa kanyang  “evasive responses”  o pag-iwas sa mga tanong ng mga enador hinggil sa umano’y overpriced medical supplies na binili ng gobyerno mula sa Pharmally noong isang taon nang magsimula ang COVID-19 pandemic.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.