Oxygen hubs, ikakalat sa bawat rehiyon ng bansa ayon kay Lorenzana
Spread the news on:

(File)

Maglalagay ng Oxygen hubs ang national government sa bawat rehiyon.

Ito ay para matugunan ang tumataas na demand ng medical oxygen sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay National Task Force against COVID-19 Chairman Delfin Lorenzana.

“Para tugunan ang pangangailangan sa medical oxygen, magtatalaga tayo ng One Oxygen Command Center sa iba’t ibang rehiyon tulad nung ginawa sa Rehiyon IX,” saad ni Lorenzana sa report kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Cabinet briefing.

Ipatutupad aniya ng gobyerno ang ‘green lanes’ sa lahat ng pantalan upang masiguro ang maayos na pagde-deliver ng suplay ng oxygen.

Dagdag pa ni Lorenzana, titiyakin ng gobyerno na hindi mawawalan ng power supply ang lahat ng planta ng medical oxygen.

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.