NCR, ibababa na sa Alert level 3; kaso ng Covid-19, bumaba sa 7,181 ngayong araw, October 13
Spread the news on:

Ibababa na sa Alert Level 3 ang Metro Manila mula October 16 hanggang 31.

Ito ay matapos aprubahan ng National pandemic task force ang bagong alert level ayon sa Malakanyang ngayong Miyerkules, Oct. 13.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF)  ang rekomendasyon na isailalim sa mas mababang alert level ang NCR.

Ang Alert level system ay epektibo lamang sa Metro Manila.

Ang ibang lugar naman sa bansa ay patuloy na isasailalim sa “quarantine classification” system.

Samantala, ngayong araw, October 13, naitala  ang isa sa pinakamababang kaso ng Covid-19 sa bansa simula noong magsimula ang pandemya.

Ayon sa Department of Health, mayroong 7,181 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayon.

Umakyat naman sa 2,690,455 ang labuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mayroon namang naitalang 6,889 na gumaling at 173 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (82,411) ang aktibong kaso, 95.4% (2,567,975) na ang gumaling, at 1.49% (40,069) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 11, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

 

(with report from Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.