Deadline para sa overseas voting registration, bukas na, Oct. 14
Spread the news on:

(File photo)

Pinaalalahanan ng Commission on Elections ang mga kuwalipikadong Filipino na nasa ibang bansa o matataon na nasa ibang bansa sa araw na halalan na humabol na sa pagpaparehistro para sa overseas voting.

Ayon sa Comelec, samantalahin ang extension sa voter registration na matatapos na bukas, October 14.

Ang pagpaparehistro para sa overseas voting ay dapat sana hanggang September 30 lamang ngunit pinalawig ito mula October 1 hanggang 14 sa lahat ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas.

Kabilang sa nagsasagawa ng voter registration ay ang Manila Economic and Cultural Offices (MECO) sa Taiwan.

Pinayuhan ng Comelec ang mga hahabol sa registration na sumangguni sa mga embahada o konsulado sa kanilang lugar para sa hours of operation sa mga naturang tanggapan.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.