Chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno, Cesar Chavez, nagbitiw na
Spread the news on:

(Photo courtesy: Cesar Chavez facebook)

Nagbitiw sa pwesto ang chief of staff ni Manila mayor Isko Moreno Domagoso na si Cesar Chavez.

Ayon sa post ni Chavez sa kanyang facebook account, magbabalik siya sa kanyang radio broadcasting career.

“So happy to be back to my first love, radio broadcasting. Am done now with my other love, the government,” ayon kay Chavez.

Nitong March ng kasalukuyang taon, nakatanggap umano si Chavez ng alok mula sa Manila Broadcasting Company at naipaalam naman niya iyon kay Mayor Isko, pati na ang intensyong tanggapin ang alok.

Dating broadcaster si Chavez bago pumasok sa gobyerno.

Pinasalamatan ni Chavez si Isko sa pagtanggap sa kanya para maging bahagi ng kanya team sa Maynila.

“Salamat Yorme sa pag-unawa, at pagkatataon makapagtrabaho sa Maynila. Napakaraming magagaling at matitino sa city hall. Maraming salamat sa inyo,” ayon kay Chavez.

Nauna rito, umatras naman si Kabayan Noli De Castro sa kandidatura para senador sa ilalim ng tiket ng Aksyon Demokratiko kung saan si Isko ang presidential standard bearer at sinabing ipagpapatuloy na lang ang kanyang serbisyo-publiko sa pamamagitan ng pamamahayag.

Si Chavez naman ay nakasama sa campaign team noon ni De Castro nang unang tumakbong senador hanggang sa maging vice president.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.