Captain Kirk ng Star Trek, William Shatner, lilipad papuntang outerspace
Spread the news on:

(Photo credit: Blue Origin)

Naging icon siya ng ilang henerasyon bilang isang space traveller sa serye ng mga pelikula at TV show na Star Trek—ang aktor na si William Shatner bilang si Captain James T Kirk.

Ngayon, sa edad na 90, hindi na science fiction lang ang pagpunta niya sa space kundi magiging isang katuparan na.

Si Shatner ay magiging pasahero ng rocket system na dinevelop ng Amazon founder na si Jeff Bezos, ang Blue Origin sub-orbital capsule.

Excited na si Shatner sa totohanang experience na ito na makarating sa outerspace.

“There is this mystique of being in space and that much closer to the stars and being weightless,” ayon kay Shatner.

“I shall be entranced by the view of space. I want to look at that orb and appreciate its beauty and its tenacity.”

Nakatakdang pumailanlang si Shatner sakay ng Blue Origin sub-orbital capsule na ilo-launch mula sa Texas, U.S.A., bandang alas-11 ng gabi sa Pilipinas.

(NP w/report from BBC News)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.