11 pinangangambahang patay sa bagyong Maring; higit 4,000 pamilya, inilikas
Spread the news on:

(Photo Courtesy: 702nd Infantry Brigade, Philippine Army)

Bineberipika na ng NDRRMC ang 11 naitalang patay dahil sa bagyong Maring, kabilang ang 4 na bata.  Mayroon namang 4,000 na pamilyang inilikas sa Luzon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bukod sa 11 na pinangangambahang namatay ay 7 pa ang nawawala at 3 naman ang sugatan.

Narito ang listahan ng mga naiulat na namatay at subject for verification na nakatala sa mga sumusunod na lugar:

  • Male, 27, from Claveria, Cagayan (cause of death: drowning)
  • Male, 56, from Narra, Palawan (cause of death: still unknown)
  • Male, 68, from Narra Palawan (cause of death: still unknown)
  • Female, 60, from Narra, Palawan (cause of death: still unknown)
  • Male, 5, from Narra, Palawan (cause of death: still unknown)
  • Unidentified gender, 8, from La Trinidad, Benguet (cause of death: landslide)
  • Male, 6, from La Trinidad, Benguet (cause of death: landslide)
  • Female, 2, from La Trinidad, Benguet (cause of death: landslide)
  • Female, 32, from Itogon, Benguet (cause of death: landslide)
  • Female, 80, from Itogon, Benguet (cause of death: landslide)
  • Male, 53, from Baguio City (cause of death: landslide)

Samantala, may kabuuang 4,528 na pamilyang binubuo ng 19,147 na indibidwal sa Cagayan Valley, Mimaropa, Caraga, at Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan ng bagyo at kasalukuyang nanunuluyan sa 23 evacuation centers.

Ang 1,216 na pamilya naman o 1,968 katao naman ay una nang inilikas mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley at Caraga.

Dahil naman sa masamang panahon, mayroong 1,106 passengers, 537 rolling cargoes, at 2 barko ang stranded sa Eastern Visayas at Caraga, ayon pa sa NDRRMC.

Ang bagyong Maring ay nagdulot ng pagbaha sa malaking bahagi ng Luzon kung saan apektado ang libo-libong individuals sa Cagayan Valley, Mimaropa, Cordillera at pati na rin sa Visayas.

Agricultural impact

Sa inisyal na tala naman ng Department of Agriculture ay umabot na sa P29.40 million ang agricultural loss sa Cordillera Administrative Region kung saan malaking bahagi ay mula sa mais at iba pang high value crops.

Ang production loss ay naitala naman sa 1,713 metric tons.

Mayroon namang 1,225 na ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa 1,128 na magsasaka naman ang apektado ng nasabing pagkalugi sa agrikultura.

“Additional damage and losses are expected in flooded areas due to ‘Maring’ and enhanced Southwest Monsoon,” ayon pa sa advisory.

Tuluyan nang lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Maring nitong Martes ng umaga at tinatahak ang direksyon patungong West Philippine Sea, ayon sa PAGASA.

Pinag-iingat naman ng PAGASA ang mga nasabing lugar mula sa flash floods at rain-induced landslides.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.