Tatlong bata, patay sa landslide sa Benguet dahil sa bagyong Maring
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Benguet DRRMC/PIO-Benguet. Isa sa mga saradong daan sa Tabac, Kibungan dahil sa pagguho ng lupa.)

Tatlong bata ang patay sa landslide sa Benguet sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Maring sa Northern Luzon ngayong Martes.

“We just received report na may 3 natabunang mga bata — 2 years old, 6 and 8 years old — at may na-injure na kakadala lang sa ospital ,” ayon kay Vice-Governor Johnny Waguis sa panayam ng ABS-CBN News Channel.

Ayon pa kay Waguis, nabigyan naman ng kaukulang warning ang mga residente sa pamamagitan ng text message at official announcements.

Sinabi pa ni Waguis na nagsasagawa na ng rescue operations sa critical areas. Nangangailangan din sila ng mga rescue boat.

“Kagaya ng kagabi, malapit nang aabot sa second floor iyong baha sa La Trinidad. Ilan lang iyong bangka na nagamit, so at least naman nai-transfer natin ang mga involved residents doon. Iyon po ang nakikita kong isang kailangan,” ayon pa sa opisyal.

Marami pa ring mga daan sa Benguet ang hindi madaanan dahil sa kabi-kabilang mga soil erosion na dulot ng bagyong Maring.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.