Pinoy designer, Kenneth Barlis, nakipagsabayan sa “Project Runway”
Spread the news on:

(Photo courtesy: Kenneth Barlis FB)

Pasok ang Filipino designer na si Kenneth Barlis sa Season 19 ng “Project Runway” na isang fashion competition reality series.

“I’ve done so many shows in the past – mga fashion weeks, mga shows ko solos and all that. Pero to see a talented group of designers that really enjoy what they’re doing, tapos you are a part of it and then you see the transformation – the pressure na nilalagay nila sa amin and all the drama here and there – talagang matira ang matibay,” pahayag ni Barlis.

Ipinanganak sa Zamboanga si Barlis at lumaki sa military base sa Southern Philippines.

Matapos lumipat ang pamilya Barlis sa San Diego, California, ipinagpatuloy ni Kenneth ang hilig sa fashion designing.

Ipinamalas ni Kenneth ang galing sa fashion designing nang ganapin ang kaniyang unang big show walong taon na ang nakalipas.

Ang native na banig o handwoven abaca mat na mula sa Pilipinas ay ginawa niyang couture gowns.

Hinangaan ang kaniyang mga creations lalo na ang eye-catching mens’ wear designs na isinuot ng ilang Hollywood at Philippine stars.

Ipalalabas ang Project Runway simula sa October 14 sa Amerika.

Ayon kay Barlis, excited na siyang makita ang kanilang mga pinaghirapan para sa programa.

“I’ve learned to really extend my patience. I learned how to follow my gut feelings,” paliwanag pa ni Barlis.

Kabilang din sa 16 finalists ng Project Runway season 19 ang Filipino designer na si Darren Apolonio at iba pang talents mula sa Amerika at iba pang bansa.

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.