Apektadong pamilya ng bagyong Maring sa Cagayan, hinatiran ng tulong
Spread the news on:

(Photo courtesy: PCG)

Sanib pwersa ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP) at Department of Social Welfare sa paghahatid ng tulong sa mga naapektuhang pamilya sa Cagayan ngayong araw, Martes, October 12.

Isa sa lubhang naapektuhan ng bagyo ang probinsya ng Cagayan kung saan maraming lugar ang lubog sa baha.

Kabilang dito ang Sitio Birao, Barangay Villa, Cielo, Buguey, Cagayan.

Karamihan sa mga pamilya ay nawalan ng masisilungan dahil nawasak ang mga tirahan ng hagupitin ng bagyong Maring ang lalawigan.

Isinakay sa rubberboat ang mga food packs na inihatid ng mga tauhan ng PCG mula sa DSWD na ipamamahagi sa mga apektadong residente.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.