Catriona Gray at Sam Milby, mapapanood sa Amazon Videos
Spread the news on:

(Photo credit: Catriona Gray Instagram)

Lalanding ulit sa international spot si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

At sa pagkakataong ito, makakasama pa niya ang boyfriend na si Sam Milby.

Magiging celebrity guests sina Catriona at Sam sa Amazon Prime Video travel series na “Global Child”.

Ipi-feature sa episode ang pagbiyahe nila sa Mauritius kung saan nagustuhan ni Cat ang street delicacy ng isla ang samosa at chilli poppers.

Ayon sa Instragram post ni Catriona, natuto rin niyang bigkasin ang mga katagang ‘Mari bon!’ na ibig sabihin ay masarap.

Ipapakita rin sa nasabing travel series ang hiking at swimming with the dolphins na ginawa nila ni Sam.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.