Nawalan ba kayo ng Facebook, Instagram at Whatsapp connection kaninang madaling araw? Hindi kayo nag-iisa
Spread the news on:

Halos anim na oras na nawalan ng service ang Facebook, Instagram at Whatsapp sa buong mundo (dakong 12 am ng Martes, October 5, dito sa Pilipinas.)

Ikinabahala ito ng users ng naturang social media giant na umaabot sa bilyun-bilyon sa buong mundo.

Facebook ang may-ari ng photo-sharing platform na Instagram at instant messaging service na Whatsapp.

Sa ulat ng Reuters, sinabi ng website monitoring group na Downdetector na ito ang pinakamalawak na outage na nagparalisa sa social media platforms.

“To every small and large business, family, and individual who depends on us, I’m sorry,” ang tweet ni Facebook Chief Technology Officer Mike Schroepfer.

Sa Reuters report, naniniwala ang ilang eksperto na ang outage ay sanhi ng “internal mistake.”

Hindi nagbigay ng detalyadong paliwanag ang Facebook ng sanhi ng service disruption at kung ilang users ang naapektuhan.

Alas-sais pasado na ng umaga dito sa Pilipinas nang manumbalik ang connection ng Facebook, Instagram at Whatsapp.

Panibagong dagok

Ang outage na ito ay panibagong dagok sa social media giant.

Kamakailan lang ay inakusahan ng isang whistleblower ang Facebook ng umano’y pagkukulang sa pagpuksa sa hate speech at maling impormasyon sa social media, at sa halip ay mas inuuna diumano ang profits o kita.

Iniulat ng Reuters na paniwala ng ilang empleyado ng Facebook, ang outage ay bunsod diumano ng “internal routing mistake” patungo sa internet domain at pagpalya ng internal communication tools.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.