PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS : Unang Mga Binibining Sasabak Sa Laban, Paalis Na!
Spread the news on:

Mapupuno na naman ng excitement ang mga taga-Pageant Town sa pagsisimula ng kanilang pagsubaybay sa mga unang reyna ng bansang lalaban sa international stager sa taong ito.   Matapos makoronahan noong Hulyo ang pinakabagong batch ng mga BInibining Pilipinas ay unang nabahiran ng lungkot ang mga fans matapos magpasabi ng Miss International Organization na ipagpapaliban muna ang pagdaraos ng kanilang kumpetisyon sa taong ito.  Ibig sabihin niyan, tengga muna ang Binibining Pilipinas International Hannah Arnolds na sinasabi pa namang malakas sana ang laban para maging ika-pitong Pilipinang Miss International.

Sa kabila nyan, papalapit na rin naman ang laban ng dalawa pang Binibini na kakatawan naman sa bansa dalawamg magkaibang international beauty pageants.  Mauunang umalis si Maureen Montagne na siyang magsusuot ng sash ng bansa sa Miss Globe competition na gaganapin sa taong ito sa Albania.  Ang Batanguenang si Maureen ay beterana na ng mga international beauty pageants.  Nauna na siyang lumaban noon sa Miss USA, bago unang sumabak sa patimpalak sa Pilipinas noong 2018.  Nanalo siya bilang Miss Eco-International Philippines noon ding taong yun at hinirang na first runner up sa Miss Eco-International na ginanap sa Egypt.  Kasalukuyang naghahanda ngayon si Maureen para sa kanyang laban sa The Miss Globe na magkakaroon ng coronation night nito sa November 6.  Tutulak na pa-Albania s Maureen sa October 20.

(Maureen Montagne)

Bagamat naka-quarantine ngayon dahil sa pagkakabisita nito kamakailan sa Estados Unidos, ay sisimulan na rin ni Samantha Panlilio ang kanyang pagsasanay para naman sa Miss Grand International 2021 na gaganapin sa Phuket, Thailand.  Si Samantha ang kakatawan sa bansa sa Thailand-based pageant kung saan nagwagi naman bilang First Runner Up noong nakaraang taon ang isa pang Pilipina, si Samantha Bernardo.   Galing sa isang prominenteng pamilya ang ating pambato sa taong ito, bilang siya ay pamangkin ng kauna-unahang Binibining Pilipinas na si Myrna Panlilio.  Nakatakdang maganap ang grand coronation night ng MGI 2021 sa December 4.

(Samantha Panlilio)

Inaasahang sabay na itataas ng dalawang kandidata ang bandila ng Pilipinas sa kanilang mga international assignments.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.