PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS: CEBUANA VERSUS CEBUANA KAYA ANG LAST 2 STANDING SA MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2021?
Spread the news on:

Hot na hot nang malaman ng mga taga-Pageant Town kung sino ang tatanghaling Miss Universe Philippines 2021.  Sino nga kaya ang kakatawan sa Pilipinas sa Eilat, Israel this coming December para sa 70th edition ng Miss Universe Pageant.

Bagamat maraming kandidata ang maingay na pinag-uusapan ng fans, kabilang na sina Miss Taguig, Katrina Jayne Dimaranan; Miss Pangasinan, Maureen Wroblewitz; Miss Masbate, Kisses Delavin; Miss Laguna, Leren Mae Bautista; may iba ring kahit pa baguhan sa pandinig at paningin ay humahataw din, gaya nina: Miss Cavite, Victoria Vincent; Miss San Juan, Ayn Bernos; Miss Paranaque, Ingrid Santamaria; Miss Mandaluyong, Corinne Abalos; Miss Angeles City, Mirjan Hipolito; at Miss Aklan, Kristel Abello.  Halos wala talagang masasabing “tapon” sa batch na ito ng MUPh.

Pero sa gitna ng matinding labanan, tila dalawang Cebuana ang mukhang magkakabangaan sad ulo, pagdating sa pagsungkit ng korona.

(Bea Gomez & Steffi Aberasturi ng Cebu)

Una sa naging pinakamaingay na kandidata si Steffi Rose Aberasturi na nagsusuot ng sash na Cebu Province.  Si Steffi ay 26 taong gulang at isang undefeated beauty queen ng kanyang lalawigan.  Sa dinami-rami ng mga nasalihan nitong pageants sa Cebu ay hindi pa ito nakakatikim ng pagkatalo.  Siya ay graduate ng Tourism Management sa University of San Carlos at isa ring English Second Language (ESL) teacher.  Siya ay may taas na 5’7’.

Miss Cebu City naman ang dalang sash ni Beatrice Luigi Gomez na siyang reigning Binibining Cebu 2020.  Maingay namang umingay ang pangalan ni Bea matapos pag-usapan ng netizens ang pagkakaroon nito ng girlfriend, bagay na hindi naman itinanggi ng dalaga sa kanyang interview challenge sa MUPh.  Si Bea ay 25 years old, isang community development worker at isang Philippine Marines reservist.

Ang dalawa ay nagsasanay sa magkaribal na beauty camps.  Si Steffi ay under ng Kagandahang Flores samantalang si Bea ay hinahasa naman ng Aces and Queens.  Sino nga kaya sa kanila ang tuluyang magwawagi ng koronang suot ngayon ni Rabiya Mateo?


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.