JAPETH AGUILAR NG GIN KINGS, HINDI MATATAPOS ANG PBA CAMPAIGN DAHIL SA INJURY
Spread the news on:

(Photo courtesy: Ginebra Republic FB)

Hindi na makapaglalaro sa natitirang bahagi ng kampanya ng Barangay Ginebra Gin Kings sa 2021 PBA Philippine Cup si veteran forward Japeth Aguilar.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, kasunod ito ng tinamong medial collateral ligament (MCL) sprain ni Aguilar sa kanyang kaliwanag tuhod.

“From what we’ve seen, it’s our opinion at this point that he’s out for the rest of the conference… I don’t see any possibility to get (him) back, and if we did, we might rush him back and injure him again worse,” pahayag ni Cone.

Sinabi pa ni Cone na dismayado si Aguilar na hindi makasali sa mga natitirang laro ng team.

“He wants to play but he was sent home yesterday, finally. He should have gone home a week or two ago after the injury, but he kept trying to get it done,” dagdag pa ni Cone.

“But it was obvious now that he’s not gonna be able to make it,” paliwanag ni Cone.

Matatandaang tinamo ni Aguilar ang injury noong September 12 sa laban ng Gin Kings kontra TNT Tropang GIGA.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.