E-SABONG NI ATONG ANG, BINIGYAN NG 25-YEARS NA PRANGKISA
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Atong Ang FB)

Inaprubahan ng Kamara ang 25-taong prangkisa para sa “e-sabong” firm na Lucky 8 Star Quest Inc. na pagmamay-ari ni Charlie “Atong” Ang.

Sa botong 161-2, inaprubahan sa ikatlong pagbasa ang House Bill No. 10199 na nagbibigay ng 25-taong prangkisa sa online sabungan.

Sa nasabing panukala, pinapayagan ang kompanya na mag-construct, mag-establish, mag-operate ng on-cockpit at off-cockpit betting stations.

Matatandaang mahigpit na tinutulan ni dating House Speaker Allan Peter Cayetano ang nasabing panukalang batas dahil wawasakin lamang umano ng sugal ang “moral fiber” ng ating lipunan.

“This unnecessarily exposes the youth to the perils of gambling by making it very convenient, accessible and enticing to them. This allows for the addiction to grow worse,” katwiran pa ni Cayetano.

Nauna nang kumuha ng lisensya ang Lucky 8 Star Quest Inc. para makapag-operate sa Philippine Amusement and Gaming Corp.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.