PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS: BEAUTY QUEEN MATERIALS
Spread the news on:

Maraming taga-Pageant Town ang ginulat ni Kisses Delavin nang biglang sumulpot  bilang Miss Mabata sa ginaganap na Miss Universe Philippines 2021.  Bilang isang teenage celebrity na unang nakilala bilang teen housemate ni Kuya, sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN, marami ang nagtaka kung bakit pa isinugal ni Kisses ang kanyang showbiz career para masungkit ang koronang Miss Universe Philippines.  Bagamat di naman lingid sa kaalaman ng marami na dati na rin itong lumalahok sa mga beauty pageants bago pa man pasukin ang Bahay ni Kuya, naging isang malaking surpresa pa rin ang pagpasok naman ngayon ng dalaga sa isang national beauty pageant.

Bago pa si Kisses ay marami na ring artistang nagsisali sa mga patimpalak kagandahan sa mga lumipas na taon.  Ilan na riyan sina Megan Young, na itinanghal bilang kauna-unahang Miss World ng bansang Pilipinas noong 2013; si Ruffa Gutierrez, na naging 2nd  Princess sa Miss World 1993; Mutya Crisostomo Laxa na naging Mutya ng Pilipinas-Asia (pero naunang sumali sa Binibining Pilipinas kung saan sya naging runner up); at si Joanne Quintas Santos na naging Binibining Pilipinas-Universe noong 1995.  Ilan pang mga magagandang artista ang dati nang pinilit pero hindi talaga nakasali sa mga national pageants.  Kabilang na dito sina Sunshine Cruz, Juliana Palermo, Cindy Kurleto, Maricel Laxa at maging si Princess Punzalan.

Kaya naman, lagi na lang nagiging maingay sa tuwing may artistang nagpapahayag ng interes na sumali sa mga beauty pageants.  Sunod kay Kisses, sino naman kaya ang maaaring magpaningning ng daigdig ng patimpalak?  Kinausap ng Pageant Town ang batikang pageant mentor na si Rodgil Flores ng Kagandahang Flores Camp at itinanong sa kanya kung saan-saan kayang pageants nababagay ang ilan nating sikat na artista sa ngayon sakaling magkaroon sila ng interes na sumali.  Ito ang kanyang mga sagot:

MAINE MENDOZA – Bagay si Maine sa Miss Philippines Earth.  Isang effective communicator si Maine, malakas ang personalidad at may malawak na social media following.  Maaari niyang magamit ito upang palawakin ang interes at kaalaman ng mga tao sa usapin ng pangangalaga sa kalikasan.

KATHRYN BERNARDO – Si Kathryn ay maaaring koronahan bilang Mutya ng Pilipinas.  Mahilig ang Mutya sa mga gandang pang-artista.  Naalala ko kay Kathryn ang mga magagandang Mutya winners dati na nagiging artista agad pagkatapos ng kanilang reign, gaya ni Baby Delgado.

LIZA SOBERANO – Miss Universe Philippines, Miss World Philippines, Binibining Pilipinas.  Lahat ng iyan pwedeng salihan at panalunan ni Liza Soberano.  She obviously has both the beauty and the communication skills.  We just really need to polish her pageant presentation skills.  Pero siguro for Liza, pinakabagay talaga siya sa Miss Universe Philippines with Miss World Philippines as her fallback.

NADINE LUSTRE – She is multi-faceted.  Bagay siya sa Miss World Philippines.  She is musical so she can do well sa talent fasttrack; she is sporty and can do well sa sports fasttrack.  Of course, given na rin na fashionable sya.  Her beauty is Pinay na Pinay.  She can be likened to Mafae Yunon who made it to the top 5 of Miss World in 1993.

SANYA LOPEZ – Bagay na bagay si Sanya sa Binibining Pilipinas.  She can be a top contender for any of the crowns there.  Pero pinaka-bagay sa kanya yung Miss Grand International crown.  She can be packaged in the same mold as Samantha Bernardo.

MAYMAY ENTRATA – Seriously, pwede niyang subukang sumali sa Asia’s Next Top Model. I can see her doing really well sa competition na yun.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.