WHAT’S THE FUss? WITH MR. FU: Blind Item Mula Sa Sugalan Hanggang Amerika!
Spread the news on:

Likas na tsismoso’t tsismosa ang maraming tao. Kaya kadalasan, kahit hindi ka naghahanap ng tsismis, kusa syang dumarapo sa iyo. (parang birdie!) Siempre mas exciting kung ang balita ay tungkol sa showbiz. Kapag yan ang pinag-uusapan, parang lahat affected. (mas affected pa sa mismong involved!)

Isa sa lugar na di makalulusot ang tsismis ay ang mga casino. Ang isang artistang mapadpad dyan, siguradong may makaaalam ng kanyang mga kilos at galaw. (minsan nga napadaan lang, nabalita nang lulong sa sugal!)

May isang veteran actor ang madalas daw sa lugar na yan noon. Halos hindi na raw umuuwi. Duon na raw umiidlip bago mag- segue sa kanyang taping o shooting. (panalo sa power nap ha!) Isang araw, nagbunga ang pagbababad nya sa casino, kasi nakatsamba sya ng 10 million pesos.  (beke nemen.. ) At dahil nga sa mabilis kumalat ang impormasyon sa loob, hindi nya ito basta-basta maitatago.  Kaya nung makita nya ang isang sikat na kolumnista na kanyang kaibigan, ipinasulat nya agad dito ang storya.  Ang sinabi nya na isang mayamang kaibigan ang nagpataya sa kanya sa casino, kaya hindi sa kanya ang sampung milyon. (echoserang palaka!) Nailabas na ito ng kaibigan nang malamang kaya pala ganun ang ipinasulat ay maraming pinagkakakutangan si aktor at ayaw nyang dagsain sya ng mga manininiggil! (pero sana nakapagbayad kahit papaano ha!)  Ang aktor ay pwede mo raw tawaging baby. (baby?!)

Isang lugar pa na source ng chika ay ibang bansa na may maraming pinoy na nagtatrabaho at naninirahan. (wow pang international!) Safe ang celebrity kung ang bansang kanyang pupuntahan, ay wala masyadong Pinoy. Pero good luck kung makatiempo sya ng lugar kung saan may mga kababayan. (kaya ako naka la casa de papel/money heist suit pag abroad! Chos!)

May isang aktres at isang male singer ang sinasabing magkarelasyon ngayon.  Ang mga nakakakita sa kanila sa Amerika ang makapagpapatunay na nagkakamabutihan ang dalawa. Naloka lang daw yung iba dahil minsan si Aktres daw ay kung sinu-sinong boylet ang ka-date habang si Singer ay nakikita ring may iba’t ibang babaeng kasama. Naguluhan lang sila kung bakit parang wild and free si Aktres at ganun din ang boyfriend nitong Singer. (baka ganun ang set up nila, wala raw basagan ng trip!)

Parehong mayaman ang mga bida sa kwento dahil malalaking talent fees ang kanilang nakukuha sa tuwing sila ay binibigyang ng proyekto. (baka pwede magpabank transfer o gcash!)

 

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9pm-12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu the star dj. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.