PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS : MISS UNIVERSE PHILIPPINES CANDIDATES, BALIK-NCR MUNA
Spread the news on:

Matapos lumikha ng malaking ingay sa mga taga-Pageant Town ang isang linggong pananatiili ng mga Miss Universe Philippines (MUPh) candidates sa Clark, Pampamga, tumulak naman pabalik ng Maynila ang mga ito kasama na ang pageant crew para sa isang linggo namang testing and recharge.  Matapos ang linggong ito, muli silang magsasama-sama para lumipat sa isa na namang bubble kung saan na nga kokoronahan ang bagong pambato ng bansa sa Miss Universe Pageant.

Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan ni MUPh Creative Director Jonas Gaffud ang Hilton Clark Sun Valley Resort kung saan nanatili ang mga kalahok para sa unang yugto ng MUPh bubble.  Naging mahigpit ang pagkakatipun-tipon sa mga kandidata bilang tugon sa mga itinakdang health and safety protocols ng pamahalaan at para na rin mapangalagaan ang kalusugan ng mga kandidata.  Ani Gaffud: “Each delegate of Miss Universe Philippines had her own room, which I am happy, we decided early on.  Imagine, the ladies in a world-class hotel having her own space for a week.”

Habang nasa Clark, ay isinagawa na ang lahat ng mga corporate sponsor shoots ng mga candidates pati na ang sinasabing “bardagulang” preliminary rounds ng patimpalak kung saan nagsalpukan na ang mga kandidata sa swimsuit, evening gowns at interviews.  Mukhang naging maayos naman ang kinalabasan ang mga naunang activities ng pageant dahil ayon pa rin sa post ni Gaffud: “The shoots went well.”  Naging masaya rin anya siya sa ginagwa nilang pangangalaga sa isa’t isa habang sila’y nasa loob ng bubble: “The past week was exhausting with all the protocols but so thankful that we all tested negative today.”

Karamihan sa mga pageant events and activities ang kasalukuyang naaantala dahil na rin sa pagpapatupad ng mahigpit na quarantine measures ng pamahalaan dahil sa COVID19 at sa delta variant nito.  Matapos ang ilang buwan nang pag-uurong-sulong, hindi pa rin makapagsa-pinal ng desisyon ang Miss World Philippines kung kalian nito isasagawa ang coronation night nito.

Sa harap ng ganitong pangyayari, desidido naman ang MUPh na tapusin na ang 2021 edition ng kanilang pageant bago matapos ang buwan ng Setyembre.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.