ISKO-DOC WILLY TANDEM, SUPORTADO NINA SEN. RALPH RECTO AT REP. VILMA SANTOS
Spread the news on:

(Photo:  Screengrab from Senate of the PH FB)

Suportado ni Senate pro tempore Ralph Recto at misis niyang si Congresswoman Vilma Santos Recto ang kandidatura nina Mayor Isko Moreno at Doc Willy Ong sa pagkapangulo at pangalawang pangulo  sa 2022 elections.

Ayon kay Senator Recto, maging ang kanilang mga supporter sa Batangas at mga coordinator nationwide ay sumusuporta sa tambalang Moreno-Ong.

“Si Mayor Isko ay may training, skills, karanasan at liderato para maging mahusay ng lider ng bansa,” ayon kay Recto.

Ipinakita raw ito ni Mayor Isko lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Dahil bata at energetic, mabilis aniyang naipatutupad ni Mayor Isko ang mga programa.

Ayon pa kay senator Recto, oras na magdesisyon ang kanyang misis na tumakbo sa pagka-senador, tatakbo ito sa ilalim ng Isko-Willy tandem.

Sinabi pa ni Recto na sa katapusan ng buwang kasalukuyan ay malalaman ang desisyon nilang mag-asawa kung ano ang posisyong tatakbuhan.

Tungkol naman sa hindi pagsuporta sa kasamahang sina Lacson-Sotto,  sinabi ni Recto na “very good” din naman ang tandem ng dalawa.

Kung sila man ang mananalo ay makabubuti pa rin ito sa bansa dahil sa malawak na karanasan nina Lacson at Sotto.

“I decided to join Isko campaign after consulting family, friends leaders and knowing that the average age of a Filipino is 25 years old. Our voters are young. Isko is young, energetic, experienced and has leadership. As shown in how he leads Manila during a pandemic. And because of his background and narrative can inspire and provide hope to our young people,” sabi pa ni Recto.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.