WHAT’S THE FUss? WITH MR. FU: GENEVA CRUZ, RELATE SA MGA SINUNGALING
Spread the news on:

Akala ko dati, marunong akong kumanta. (isa palang maling akala!) Nung inilunsad ni National Artist for Music Ryan Cayabyab sina Geneva Cruz, Jeffrey Hidalgo, James Coronel at Tony Lambino bilang music group na Smokey Mountain years ago,  parang gusto kong sumali sa kanila.  (or palitan si Geneva, chos!) Pero di pala talga ako singer. (at hindi naman nila kailangan ng dagdag na member!) Kaya naging fan nalang nila ako. Pinag-ipunan ko pa yung pagbili ng cassette tape nila at kapag may mga production number nung high school, kailangan talaga may Smokey Mountain song! (at ako ang maglilip synch kay Geneva!)

Hindi ko na nasubaybayan ang Smokey Mountain nung hindi na sila ang members at nagkaroon na ng solo careers.  (solid ako sa original!) Nung magkaroon na ako ng mga showbiz talk shows, nagkaroon ako ng pagkakataon na mainterview sina Geneva at Jeffrey sa ilang events na kinover ko. Pero di ko nachika na naging Smokey Mountain fan ako. (parang puro ambush interviews ata kasi yun)

Muntik naman ako magkaroon ng project with Jeffrey para sa isang proyekto na ididirek nya. (bilang Direk Jeffrey na rin sya ngayon!) Kinukuha nya akong artista. Itry ko sana pero nagkaroon ng conflict sa schedule. (ayaw ko rin, kasi bading daw yung role. Chos!) Wala naman ako encounter kina James at Tony. (baka mamaya check ko!)

Si Geneva nagtuloy tuloy ang pagiging performer. Ibang-iba na siempre sa pasweet na image nya sa Smokey Mountain. Sexy and Sultry na ang image. (di narin nagsusuot ng garbage bag bilang costume!)  Nawala sya sandali para manirahan sa Amerika. Nagtry ng ilang trabaho habang nagcoconcert pa rin pa minsan minsan sa ilang lugar duon. Pero mukhang tinatawag sya ng kanyang pinagmulan dito sa PInas. (sino naman tumawag, aber?!)

Sa kanyang showbiz comeback, umappear sya sa reality show na Your Face Sounds Familiar ng Kapamilya Network. Naging aktibo rin sya on-line. May ilang pinag-usapang Youtube videos sya kasama ang kanyang mga pinsan na sina Donna, Sunshine at Sheryl (yung kumanta ang mga lola mong magpipinsang Cruz!) Hindi rin sya nakaiwas sa mga bashers dahil sa pagkukumpara sa kanya sa kanyang mga pinsan. Pati  nga ang pagpapasuot nya ng two piece bikini ay naging isyu pa sa ilan. (sexy naman si ate!)

Sa Darating na October 1, irerelease sa mga digital streaming platforms ang kanyang pinakabagong single mula sa Curve Entertainment. na may titulong: Sinungaling. Isinulat ito ng kanyang kaibigang si Junji Arias ng The Voice Season 1. (napapanahon daw para sa mga showbiz break-ups!)

“Maraming makakarelate sa Sinungaling. Yung napagsinungaling ng mahal mo o ng malapit sa iyo. Ako naexperience ko rin yan. “ Sabi ni Geneva.  (ibaon ang mga sinungaling sa ilalim ng Smokey Mountain!)

 

(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9pm-12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu the star dj. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.