PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS: “MAMA MARY” WAGI BILANG SINGKABAN QUEEN NG BULACAN!
Spread the news on:

Tiyak na aabangan ng mga taga-Pageant Town ang pagsali sa national pageant ng dalang itinanghal na Singkaban Queen ng Bulacan sa isang patimpalak nitong linggong ito.

Kinoronahan bilang Singakaban 2021 Digital Queen si Sangila Jean Santos ng Bulakan, Bulacan dahil sa angkin nitong mala-santang kagandahan. Ang Singkaban Festival ay isang taunang selebrasyon sa Bulacan kung saan itinatanghal ang kultura ng lalawigan kabilang na ang kanilang mga tradisyunal na balagtasan, kundiman at ang paggamit ng kinayas na kawayan sa iba’t iba nilang produktong lokal.  Isinasabay rin dito ang taunang patimpalak ng Singkaban King and Queen kung saan naglalaban-laban ang mga pinaka-makikisig na binate at nagga-gandahang dilag sa iba’t ibang bayan ng naturang probinsya.

 

Sa taong ito, nagwagi bilang Singkaban Queen si Sangila, na nag-aangkin ng kagandahang maihahalintulad diumano sa mukha ng mahal na birhen.  Dahilan ito para taguian syang “Mama Mary” ng kanyang mga kababayan.  Hindi ito ang unang pagkakataong nanalo ang dalaga sa timpalak dahil ilang ulit na rin itong nagwagi sa iba’t ibang kumpetisyong pangkagandahan para sa mga kabataan.

Pumangalawa kay Santos si Lorraine Cho, ng bayan pa rin ng Bulakan, na binigyan ng titulong Singkaban Queen-Turismo 2021.

Si Sangila ay ang ika-apat na consecutive winner ng bayan ng Bulakan na nakapag-uwi ng korona bilang Singkaban Queen kasunod nina Lady Justirinnie Santos, Aubrhie Cinderelle Carpio at Fhaye Rivera.

Wagi naman bilang Singkaban Festival Digital King 2021 si Daniel Gasper ng Santa Maria.


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.