PULIS NAGLARO NG BARIL, AKSIDENTE UMANONG NAPATAY ANG DELIVERY RIDER
Spread the news on:

Kulong ang isang pulis matapos na makapatay ng isang delivery rider sa Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon, aksidenteng pumutok ang baril nito at tinamaan ang isang delivery rider noong  nakaraang Huwebes ng gabi.

Ayon kay Manila Police District Director Brigadier General Leo Francisco, ang suspek ay kinilalang si Cpl. Oliver Ferrer na kasalukuyang nakadestino sa Station-1 habang ang biktima naman ay kinilalang si Jayson Capistrano.

Ayon sa ulat bago mangyari ang insidente nagtungo ang suspek na si Cpl. Ferrer kasama ang isa pang pulis na si Cpl. Jerome Mingote sa barangay hall ng Barangay-183 dakong 10:45 ng gabi noong Huwebes upang bisitahin ang Kapitan ng nasabing lugar.

Habang nasa lugar si Cpl. Ferrer ay nakipagkwentuhan daw ito sa biktimang si Capistrano kung saan ito nagbirong bumunot ng baril ngunit sa kasamaang palad ay pumutok ito at tinamaan ang biktima.

Agad namang isinugod sa Chinese General Hospital ang biktima kung saan ito idineklarng patay dakong 12:52 ng madaling araw ng Biyernes.

Matapos ang  insidente ay kusang sumuko sa Gagalangin Police Community Precinct si Cpl. Ferrer kung saan niya isinuko ang kanyang baril.

Sa kasalukuyan ay hawak na ng MPD Homicide Section ang nasabing kaso.

(Mores Heramis)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.