PACQUIAO, TATAKBONG PANGULO SA 2022 ELECTIONS
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Screengrab from PDP Laban FB)

Pormal nang tinanggap ni Senador Manny Pacquiao ang nominasyon ng sariling paksyon sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Nagkaisa ang miyembro ng PDP-Laban Pacquiao faction kasama na ang mga regional representatives ng partido sa kanilang national assembly na isinagawa ngayong araw, Setyembre 19.

“Exciting ito dahil malaki ang posibilidad na mananalo tayo sa darating na halalan at ang tunay na PDP-Laban and magpapatakbo ng gobyerno,” pahayag ni Senador Aquilino Pimentel III, Chairman ng partido, sa kanyang opening remarks.

Matatandaang naging matagumpay ang senatorial race ni Pacquiao noong Halalan 2016.

Kamakailan ay naging maugong ang pangalan ng senador na posibleng tumakbo bilang presidente sa susunod na halalan at  ngayon ay pormal na ngang inanunsyo sa publiko.

Si Pacquiao ang ikalawang pulitiko na opisyal na nag-anunsyo ng kanyang pagtakbo bilang presidente sa 2022 elections.

Una nang nagdeklara ng kanyang pagkandidatoo si Senador Panfilo Lacson na kanyang ring kasama sa Senado.

Matatandaang nahati sa dalawang paksyon ang PDP-Laban kung saan sa paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi ay inihalal nila para tumakbo sa pagka-Pangulo si Senator Bong Go at bise presidente naman si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.