OCTA: FACE TO FACE CLASSES, POSIBLE NA SA 2022 KUNG PATULOY NA BABABA ANG COVID-19 CASES SA BANSA
Spread the news on:

Posibleng maibabalik na ang face-to-face classes sa susunod na taon kapag patuloy na bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni OCTA Research Fellow Guido David sa “Balitaan sa Tinapayan” ngayong Linggo, September 19, na maganda ang nakikita nila sa vaccination strategies ng gobyerno.

Maaari aniyang sa November o December at tuloy-tuloy hanggang sa susunod na taon  ay bubuti na ang sitwasyon sa bansa.

Kapag bumaba na at kontrolado na ang bilang ng mga kaso ay maibabalik na ang face-to-face classes dahil marami na rin ang mababakunahang mga estudyante

Kung sakali aniyang magbalik na ang face-to-face classes,  maaring mauna muna ang mga nasa unibersidad at susunod ang secondary o high school  at mga bata kapag available na ang bakuna para sa kanila.

Gayunman, hindi pa masasabi kung kelan pero ang DepEd (Department of Education) pa rin aniya ang siyang magdedesisyon sa bagay na ito kasama ng concerned agencies ng gobyerno.

(Jocelyn Domenden)

Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.