DOLE, ITINUTULAK ANG PAGBIBIGAY NG HIGIT NA PROTEKSYON SA MGA MARINO HABANG NASA DAGAT
Spread the news on:

Itinutulak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang pag-amyenda sa isang 15-taong  Maritime Convention ng International Labor Organization.

Ito ay upang bigyan ng higit na proteksyon ang mga marino sa mundo habang nasa dagat.

Sa isang virtual address sa mga lider ng  maritime at seafaring industry na nagtipon-tipon sa London noong nakaraang linggo, sinabi ni Bello na ang umiiral na  ILO statute ay hindi siguradong magbibigay ng patas na paggamot at proteksyon sa mga marino.

“(The Convention) only encourages the member-states to cooperate to facilitate the investigation of serious marine casualties. We need to act to correct such ambiguities in the code,” ayon kay Bello.

“We strongly recommend the amendment of the Maritime Labour Convention to recognize seafarers as key workers,” dagdag pa ng kalihim.

Si Bello ay pangunahing tagapagsalita sa International Meeting on Future-Proofing ng Maritime Labor Convention ng 2006, na kilala rin bilang bill of rights ng mga marino na inayos ng International Maritime Organization na nakabase sa United Kingdom.

Sa kanyang address, sinabi ni Bello na ang pandemya ay nakaapekto sa global work landscape kabilang ang maritime labor.

“Hence, we must chart strategic and appropriate measures to continuously protect our seafarers in dealing with fresh opportunities as the world faces a new normal.”

He said that as a country that deploys thousands of seafarers each year, the fair treatment of sea-based workers is among the strongest advocacies of the Philippines, adding much has been done by the country to secure Filipino seafarers before and during the pandemic.

Sinabi pa ng kalihim na ang gobyerno ay katuwang ng  Seafarers’ Rights International noong 2018 na nagsagawa ng  regional conference.

“We also crafted and set into force the Guidelines for the Establishment of the Philippine Green Lane to Facilitate the Speedy and Safe Travel of Seafarers, including their Safe and Swift Disembarkation and Crew Change during the Covid-19 Pandemic,” wika pa ni Bello.

Itinatag din ang isang Interim Guidelines for the Facilitated Deployment and Repatriation of Filipino Seafarers sa panahon ng National State of Emergency dulot ng  COVID-19 Pandemic.

“We fully recognize our seafarers as essential workers who play a vital role in the economy which is why they are among the priority recipients in the government’s national Covid vaccination rollout,” dagdag pa ng labor chief.

Sinabi ni Bello na isang hakbang din ang itinutulak sa Kongreso upang maibukod ang mga Pilipinong marino  mula sa paggalaw o paghihigpit sa paglalakbay, partikular na sa pag-secure ng mahalagang mga dokumento sa paglalakbay at trabaho.

“To protect them from the perils of the seas, crews must change regularly. Seafarers in need of medical attention must also be allowed to disembark, for humanitarian consideration,” sinabi nito sa pagpupulong.

Ang pagkawala o pinsala na epekto ng panganib sa dagat sa mga marino ay saklaw din ng  Philippine Standard Terms and Conditions Governing the Overseas Employment of Filipino Seafarers On-Board Ocean-Going Ships.

Samantala, tiniyak ni Bello na susuportahan  ang international seafaring  at shipping community sa pagbibigay ng lubos world class, professional na mga marino.

“I am confident that, despite the challenges that we are facing, we can build strong partnerships and multi-stakeholder cooperation to bring about meaningful change in the life and career of our dear seafarers,” pagtatapos pa ni Bello.

 

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.