DILG: 171 LUGAR SA NCR NASA ILALIM NG GRANULAR LOCKDOWN
Spread the news on:

(Photo courtesy: PNA)

Umabot na sa 171 lugar sa National Capital Region (NCR) ang isinailalim sa granular lockdown, ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ngayong Linggo, Sept. 19.

Ito ang mga lugar na sinasabing nasa critical zone kung saan may clustering ng COVID-19 cases at active transmission ng virus.

“Sa tala ng PNP (Philippine National Police), 171 small areas sa Metro Manila ang nasa granular lockdown,” pahayag ni Año sa DZBB.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni PNP spokesperson Police Brigadier General Ronaldo Olay na mayroon silang 93 mga barangay na mino-monitor na nasa ilalim ng lockdown.

Aabot naman sa 244 na mga pulis at 304 force multipliers ang nagbabantay sa mga apektadong lugar.

Matatandaang nitong September 16 ay sinimulan ang pilot testing ng granular lockdown sa Metro Manila na bagong paraan umano ng pamahalaan upang sugpuin ang COVID-19.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.