19,271 NA BAGONG KASO NG COVID-19, NAITALA NGAYONG ARAW SEPT. 19; BILANG NG NAGKASAKIT, MAS MABABA KAYSA KAHAPON
Spread the news on:

Bumaba nang halos apat na libo ang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw, September 19.

Sa tala ng Department of Health, mayroong 19,271 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayon.

Kaya naman umakyat na sa 2,366,749 ang kabuuang kaso ng nagkasakit dahil sa virus sa bansa.

Sa ikatlong araw ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert level 4, ngayon lang hindi umabot sa 20,000 ang bilang ng kaso ng nagka-Covid-19.

Mayroon namang naitalang 25,037 na gumaling at 205 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.5% (178,196) ang aktibong kaso, 90.9% (2,151,765) na ang gumaling, at 1.55% (36,788) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 17, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang mga kaso ng COVID-19.

Kaya mahalaga ang pagsunod sa minimum public health standards, pagsasagawa ng PDITR strategies at pagbabakuna na siyang nananatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19.

Mahalaga rin na mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19.

Ang maagang konsultasyon at pagpapa-test ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.