10K DOSES NG BAKUNA KONTRA COVID, NASIRA AYON SA DOH
Spread the news on:

Umabot na sa 10,000 doses ng COVID-19 vaccine ang nasayang mula nang umpisahan ang bakunahan sa Pilipinas noong Marso, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong araw Sept 19.

“To date, we have about 10,000 doses already registered as wastage,” pagsisiwalat ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa panayam ng DZBB.

Isa sa pangunahing dahilan umano ay ang ‘temperature excursion’.

“Ibig sabihin ang mga bakuna…yung mga frozen vaccines ay na-thaw after a certain period,” dagdag pa ni Cabotaje.

Mayroon din umanong pagkakataon na nawalan ng kuryente at hindi agad naisaksak ang freezer nang bumalik na ang suplay nito.

“Sa ibang areas naman, may mga nabasag, walang label, may mga nahulog,” saad pa ni Cabotaje.

Ayon sa DOH, ang nasirang bakuna ay maituturing na maliit na bahagi lamang ng mahigit 40 milyon doses na naiturok na, ngunit sayang pa rin ito.

“Kaya for every incidents, inaaral natin yung mga reasons tapos binibigyan natin ng advisory kung ano ang mga nararapat para ma-avoid yung mga wastage na iyan,” paliwanag ni Cabotaje.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.