MAHIGIT 800 SMUGGLED NA GAGAMBA NASABAT SA NAIA
Spread the news on:

(Photo courtesy: BOC)

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 827 gagamba mula sa bansang Poland nitong Sept. 14.

Tatlong magkakahiwalay na air postal parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ipinadala ang mga gagamba.

Ayon sa BOC, ang naturang parcel ay  ipadadala  sa residente na taga-Pasay City, Parañaque City at sa Batangas.

Sa isinagawang physical examination, nadiskubre ang  809 “spiderling” o maliliit na gagamba at 17 adult spiders o malalaking gagamba.

Itinago ito sa maliliit na plastic vials na nakabalot sa foil na may mga bulak.

Agad naman itinurn-over ang mga gagamba  sa  Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit (DENR WTMU).

Naghahanda na rin ng kaso ang DENR para sa posibleng pag-uusig sa importer at mga kasabwat nito dahil sa paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation Act.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.