CESNA TRAINING PLANE, BUMAGSAK SA PLARIDEL, BULACAN; DALAWANG SAKAY, LIGTAS PERO SUGATAN
Spread the news on:

(Photo: Mores Heramis)

Bumagsak ang isang CESNA 152 training plane matapos umanong mag-overshoot sa runway pagka-takr off sa Plaridel, Bulacan kahapon, September 17.

Sa inilabas na ulat ng Bulacan Provincial Office, sakay ng two-seater single-engine aircraft  sina  Capt. Paul Jemuel Gayanes at Lebon Eisen Sandoval  nang ito ay mag-take off sa  Plaridel Airstrip runway sa Barangay Lumangbayan dakong 7:10 ng umaga.

Pero ilang saglit pa lamang itong nakalilipad nang  aksidente itong mag-crash sa isang bakanteng lote sa Brgy. Agnaya.

Masuwerte namang nakaligtas ang mga sakay ng nasabing eroplano na agad isinugod sa La Consolacion General Hospital.

Nasa mabuti nang kalagayan ang mga pasahero ng bumagsak na Cesna plane.

Ang naturang CESNA 152 ay ino-operate ng Precision Flight Control Philippines na may tanggapan sa Barangay Lumangbayan sa Plaridel, Bulacan.

(Mores Heramis)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.