PAGKAMATAY NG GRADE 10 STUDENT SA NEGROS OCCIDENTAL DAHIL UMANO SA HAZING, IIMBESTIGAHAN NG DEPED
Spread the news on:

Iimbestigahan mismo ng Department of Education ang kaso ng pagkakapatay sa isang Grade 10 student sa Negros Occidental dahil umano sa hazing.

Mariing kinondena ng DepEd ang pangyayari pati na ang  anumang uri ng hazing, initiation rites man na may kinalaman sa fraternities, sororities at anumang kaparehas na organisasyon ng mga estudyante.

“The Department will ensure that investigations will be carried out immediately. We deeply regret and sympathize with the family during this difficult time and pray that they be accorded the justice that they deserve,” ayon sa kagawaran.

Nauna nang nagsagawa  ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights hinggil sa insidente.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.