PAGEANT TOWN WITH JOEE GUILAS: DATING KALAHOK NG PINOY-BASED JEWEL OF THE WORLD PAGEANT, MISS ECUADOR UNIVERSE NA NGAYON!
Spread the news on:

Nasurpresa ang mga taga-Pageant Town ngayong linggong ito nang biglang tanghaling Miss Ecuador Universe si Susy Sacoto ng Portoviejo sa isang maninging na coronation night sa taunang Miss Ecuador search.  Pamilyar si Sacoto sa mga Pinoy pageant fans dahil minsan na siyang lumaban sa Pilipinas sa isang locally-based international pageant, ang Jewel of The World search.

Ang 24-anyos na si Susy ay isang abugada at kasalukuyan ding nag-aaral ng medisina sa kanyang bansa.  Siya ang kakatawan sa bansang Ecuador sa darating na 70th Miss Universe pageant sa Elit, Israel na nakatakdang maganap sa Disyembre.   First runner up ni Sacoto si Valeria Gutierrez ng Ecuadorian Community in the USA, na magiging delegada naman sa Miss International pageant sa Japan.  Si Sacoto ang hahalili sa koronang ipinasa sa kanya ni Leyla Espinoza.

 

Sa mga panayam matapos niyang magwagi ay agad niyang binanggit na minsang na siyang lumahok at nagwagi sa Pilipinas sa Jewel of The Worlcd competition noong 2019, kung saan sya ang itinanghal na third runner up.  Sa naturang labanan, nagwagi bilang Jewel of the World ang kinatawan ng Thailand na si Amie Chontida habang naging first runner up naman si Miss Philippines na si Divine Veranga.

Dahil sa kanyang mga naging karanasan sa bansa ay naging mainit ang naging mga pananalita ni Sacoto sa mga Pinoy pageant fans na sinabi niyang “the loveliest people I’ve ever met.”


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.