MAHIGIT P700-M SHABU NAKUMPISKA SA CLARK
Spread the news on:

(Photo courtesy: BOC)

Kumpiskado ang nasa 1.1 kilogram ng shabu o katumbas ng halagang P7,480,000 sa isang shipment na idineklarang “Flask” mula sa Lilongwe, Malawi nitong Sept. 14.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), pinigil ang nasabing kargamento sa koordinasyon na rin ng Port of Clark International Airport at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Enforcement and Security Service (ESS) – Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF).

Ito ay matapos na makatanggap ang BOC ng impormasyon  na ang nasabing kargamento ay naglalaman ng  iligal na droga.

Sa isinagawang x-ray at physical examination, nadiskubre na naglalaman ito ng  limang packs ng shabu na nakalagay sa dalawang unit ng Electric Air Pot Flask.

Nag-isyu naman ng Warrant of Seizure and Detection  si District Collector Alexandra Lumontad laban sa  kargamento para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa  R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.