ROQUE SA UP DILIMAN: “VERY POOR” TRACK RECORD SA PAGTATAGUYOD NG HUMAN RIGHTS AT RULE OF LAW, WALANG KATOTOHANAN

Walang katotohanan ang assessment ng UP Diliman Executive Committee tungkol sa umano’y “very poor track record” ni Secretary Harry Roque sa pagtataguyod sa human rights at rule of law.

Ito ang sagot mismo ni Roque matapos na tutulan ng UP Diliman Executive Committee ang kanyang nominasyon sa International Law Commission (ILC).

“I wish to challenge this assessment because it is untrue. For over 30 years, I have been an advocate of human rights, having spent most of my professional life as a member of civil society and as a public interest lawyer representing persons and sectors who have needed to be championed. I have represented journalists, most notably the families of 19 victims of the Ampatuan massacre in domestic courts and before international monitoring bodies with the case of Adonis garnering the view that criminal libel is inconsistent with the ICCPR,” saad pa ni Roque.

Una nang sinabi ng UP Diliman Executive Committee na tutol ito sa  nominasyon ni Roque dahil sa “very poor” track record ni Roque pagdating sa pagtataguyod at pagtatanggol sa human rights at rule of law lalo na sa administrayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Therefore, his inclusion in the Commission would not serve its purposes but instead diminish the reputation of the body,” pahayag ng UP Diliman Executive Committee.

Sa pahayag ni Roque, sinabi niyang nirerespeto niya ang opinyon at karapatan ng komite at mga miyembro nito patungkol sa kanyang nominasyon sa Internationa Law Commission.

Ngunit ang mababaw na dahilan daw umano ng pagtutol ng mga ito sa kanyang nominasyon sa ILC ay patunay lamang na mayroong gustong sumira sa kanyang magandang pangalan at reputasyon dahilan lamang sa magkataliwas nilang paniniwala sa pulitika.

Ayon pa sa kalihim, naging abogado rin siya ng Panatag Shoal fishermen, comfort women, Jennifer Laude at marami pang iba.

Sa lahat umano ng mga kasong ito ay sinikap niyang manaig ang batas at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Nakalulungkot lamang umano na ang binabalewala ng ilang miyembro ng UP academe ay ang kanyang 30 taong  hardwork at accomplishments ng dahil lamang sa pulitika.

“It is unfortunate that some members of the UP academe would conveniently ignore and erase over thirty years of hard work and concrete accomplishments simply because our politics do not align. It is very disheartening to have my nomination to the International Law Commission politicized, especially considering that the ILC itself is not a political body,” dagdag pa ni Roque.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, sinabi ni Roque na makaaasa ang kanyang mga dating kasamahan sa UP na patuloy niyang itataguyod ang  human rights at ang rule of law. ”

Si Roque ay nagtapos ng abogasiya at nagturo sa UP College of Law ng ilang taon.

Bukod sa mga opisyal ng  UP Diliman, tumutol din sa nominasyon ni Roque ang Free Legal Assistance Group (FLAG) na organisasyon ng human rights lawyers.

“Disregard of the effects of domestic violations of human rights, make him ill-suited for the job,” pahayag ng FLAG.

Ang International Law Commission ay itinatag noong 1947 bilang advisory body ng United Nations para gumawa ng international law.

Kinumpirma naman ni Roque noong Lunes, Sept. 13, na siya ay nasa New York para sa kaniyang nominasyon  sa ILC.

Leave a Reply

Your email address will not be published.