PNP: WALANG CHECKPOINT SA ALERT LEVEL 4

Wala nang ipatutupad na checkpoints sa National Capital Region sa oras na isailalim sa Alert Level 4, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar.

“Wala na tayong checkpoint sa operation dahil narinig naman natin ng uniform naman itong Level 4,” paglilinaw ni Eleazar.

Tiniyak din ng PNP Chief na magagampanang mabuti ng mga pulis ang kanilang trabaho sa pagpapatupad ng granular lockdown.

Ayon pa kay Eleazar, ang nasabing lockdown ay hindi na bago sa mga pulis at sa katunayan ay may 50 lugar sa ilalim ng Metro Manila ang isinailalim sa naturang restrictive measure.

Bukas, Huwebes, September 16, ipatutupad ang Alert Level 4 sa NCR.

(Toni Tambong)

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.