PANGANAY NA ANAK NI DATING SENADOR BONGBONG MARCOS, TATAKBONG REPRESENTATIVE SA 1ST DISTRICT NG ILOCOS NORTE

(Photo courtesy:  Sandro Marcos official Facebook page)

Tatakbo bilang Representative ng Unang Distrito ng Ilocos Norte si  Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.

Ginawa ni Sandro ang anunsyo kahapon, Martes, Sept. 14, sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte kung saan ipinanganak si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Sandro, ang panganay na anak ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at pinsan ng kasalukuyang gobernador ng Ilocos Norte na si Matthew Marcos Manotoc.

Lalabanan niya ang anak din ng  kilalang political family sa Ilocos Norte.

Sinabi ni Sandro sa kaniyang kick-off rally na handa na siya sa posisyon at ibibigay  sa mga kababayan ang klase ng pamumuno kung saan nakilala ang Marcoses pagdating sa pagbibigay ng serbisyo sa probinsiya.

“If they were happy with the things that transpired during their terms, I can almost guarantee that they will get the same from me,” pahayag ni Sandro.

Nagtapos ang 23 anyos na si Sandro ng Master’s Degree sa Development Studies sa London School of Economics and Political Science.

Leave a Reply

Your email address will not be published.