P15-M SMUGGLED NA BIGAS, NASABAT NG BOC ZAMBOANGA

(Photo courtesy: BOC)

Nasabat ng Bureau of Customs Zamboanga ang tinatayang P15 milyong halaga ng smuggled na bigas malapit sa Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon sa BOC, Sept. 12 nang makatanggap ng impormasyon mula sa intelligence kaugnay sa watercraft na may lulang smuggled na bigas.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng joint operation ang BOC sa koordinasyon ng Coast Guard District Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng Coast Guard Station Central Tawi-Tawi laban sa isang watercraft na umanong may kargang sako-sakong bigas na hindi dokumentado.

Ang anti-smuggling operation ay nagresulta ng pagkakasabat sa isang motor launch MV Eshan Khan sakay ang 14 crew mula sa Sandakan, Malaysia.

Lulan ng motor launch ang 15,000 hanggang 20,000 sako ng bigas na aabot sa P15 milyong halaga patungong Zamboanga.

Nasa kustodiya na ngayon ng Bongao Subport Tawi-Tawi ang nasabat na sako-sakong bigas.

Pinoproseso na rin ang turn-over ng mga smuggled na bigas sa BOC District Office para sa imbentaryo at disposisyon sa paglabag ng R. A. 11203 o Rice Tarriffication Law ng Customs Modernization and Tariff Act of 2016)

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.