NETIZENS, DISMAYADO SA PAG-INTERVIEW NI TONI GONZAGA KAY BONGBONG MARCOS

(Photo Courtesy: Screengrab from YouTube)

Dismayado ang  netizens sa Kapamilya Actress na si Toni Gonzaga matapos lumabas ang kanyang  one-on-one interview kay Bongbong Marcos kamakailan.

Sa kanyang vlog na Toni Talks, nagkaroon ng one-on-one interview si Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos.

Pero hindi ikinatuwa ng marami ang pag-i-interview niya sa isang miyembro ng pamilya  Marcos.

Ramdam na ramdam ang pagkadismaya ng netizens at naungkat ang mga naging isyu na diumano’y Marcos apologist at DDS si Toni.

Marami rin ang nagsabi na puro kasinungalingan lang naman daw ang sinasabi ng dating senador at halatang ginagamit lang ang vlog ni Toni bilang parte ng kaniyang kampanya.

Tingin ng netizens,  tila tinulungan pa ng aktres na iangat sa pedestal ang mga Marcos sa kabila ng mga ginawa ng pamilyang ito sa mga Pilipino.

“Toni Gonzaga is a disappointment. If you will interview Bongbong, do not ask him about the greatest lesson he learned from his dad. Ask him about the money his family stole from the country. Ask hard questions—or don’t interview at all. JUST DON’T BE A FENCE-SITTING SELLOUT,” komento naman ni Francis Baraan IV.

“At this point, hindi pa din maintindihan ni Toni iyong influence and malaking following niya. Wala naman mawawala if tanggihan niya itong feature na to diba? Such a disappointment,” dagdag pa ng isang netizen.

Komento pa ng ibang netizens, sana raw ay naging maingat ang aktres sa pagpili ng mga taong kanyang i-interbyuhin sa kanyang vlog, lalo na ngayong malapit na ang eleksyon at malaking tulong ang vlog niya para sa exposure ng mga kandidato lalo pa’t nawiwili na ngayon sa panonood ng vlogs ang mga Pilipino.

“Stop giving a platform to the Marcoses. Wtf Toni. His father was a dictator. There are no buts or ifs, he killed many Filipinos under his governance and has stolen billions. Now they’re slowly trying to take back the Philippines and you’re helping them. What the hell,” saad ng isang netizen.

“Toni Gonzaga’s interview with Bongbong was obviously an attempt to humanize and change the image of his dad. The questions and answers were framed to change Marcos’ image. Paiyak-iyak pa sa memory with his father. BUWAYA. #NeverAgain,” dagdag ng isang netizen.

Sabi naman ng iba, ninong raw kasi ni Toni sa kasal si Bongbong kaya siguradong kakampi ito sa kaniya.

Pero kung marami  ang bumatikos ay may mga nagtanggol di naman sa aktres.

Sabi ng iba, wala itong pinapanigan at gusto lang nitong bigyan ng plataporma ang mga posibleng kumandidato sa 2022 para lubusang makilala ng mga Pilipino at mabigyan ito ng karagdagang kaalaman sa darating na eleksyon.

Napataas rin ang kilay ng mga netizen dahil mukhang walang  remorse o bahid ng pagsisisi  si Bongbong sa mga kasalanang ginawa ng kanyang  pamilya sa mga Pilipino.

“Toni Gonzaga can interview whomever she wants. Her channel, her rules,” depensa ng isang netizen.

“Why, do they fight about something? This is just an interview. So anong gusto mo, kapag kaaway wag na i-interview? So yung mga gusto niyo na politika yun na lang ang i-interview and you will call that neutral? How shameful,” hirit ng isang netizen.

Dagdag pa nila, kung DDS at Marcos apologist si Toni ay sana hindi nito pinaunlakan sina Vice President Leni Robredo at Atty. Chel Diokno.

Agad naman itong kinontra ng ibang netizens at sinabing “front” raw ito ng aktres para hindi masabihang supporter at para mabigyan rin ng platform ang kaniyang ninong.

Samantala, mayroon namang nagbanggit sa sinabi ni Bishop Desmund Tutu  dahil sa pagiging neutral naman diumano ni Toni.

“If you are neutral in situations of injustice, you have chosen the side of the oppressor. If an elephant has its foot on the tail of a mouse and you say that you are neutral, the mouse will not appreciate your neutrality,” sabi ng netizens.

Si Bongbong Marcos ay isa sa mga posibleng kumandito sa pagka-pangulo o  2022 elections.

Pero hanggang ngayon ay wala pang anunsyo kung ano ang talagang posisyon na plano niyang takbuhin.

Sa October ay nakatakdang maghain ng COC o Certificate of Candidacy  ang mga nais na tumakbo sa 2022 elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published.