DOT: WALANG VAXX CARD, WALANG DINE-IN SA NCR

Nilinaw ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na hindi papayagang nag-dine in ang mga indibiwal na bakunado na kung hindi nila maipakikita ang kanilang vaccination card sa mga kainan sa National Capital Region.

Ito ay matapos na payagan ang fully vaccinated individuals sa dine-in services sa Alert Level 4 sa NCR simula bukas, September 16.

Sa ilalim ng Alert Level 4 ay pinapayagan na ang 10% kapasidad sa dine-in services sa fully vaccinated.

Papayagan naman ang 30%  sa outdoor at al-fresco dining na bukas naman kahit sa hindi bakunado.

“They should be asking for that so you should bring your vaccination card,” paliwanag ni Puyat sa panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC).

“Ganon pag dine-in. ‘Pag al fresco puwede namang vaccinated, unvaccinated but of course it’s always better kung vaccinated,” dagdag pa ng kalihim.

(Toni Tambong)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.