COA: HINDI “OVERPRICED” ANG PANDEMIC SUPPLIES NA BINILI NG DBM-PS

(Photo: Screengrab from House of representatives: si Michael Aguinaldo, Chairman ng Commission on Audit sa virtual hearing ng Commitee on Good Government and Public Accountability)

Hindi sinabi ng Commission On Audit (COA) na “overpriced” ang biniling Covid-19 supplies ng Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS).

Ito ang ginawang paglilinaw ni COA chairman Michael Aguinaldo sa isinagawang hearing ng kongreso kanina.

Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, ipinaliwanag ni Aguinaldo na ang “observations” sa COA report “ ay mas lamang sa inventory management kesa sa sinasabing “overpricing.”

Iniimbestigahan ngayon ng kongreso ang tungkol sa pagbili ng mga supply ng DBM-PS kasunod ng COA report dahil sa pagta-transfer ng pandemic funds ng Department of Health.

Ang pinag-uusapang pondo ay nagkakahalaga ng  P42 billion .

Sa hiwalay na imbestigasyon ng senado, lumalabas na malaking bulto kasi ng pondo ay ginamit para bumili ng mga gamit mula sa Pharmally Pharmaceutical Corp., na nagbenta umano ng mga Covid-19 supply nang mas mataas kumpara sa ibang kumpanya.

“Ang masasabi ko lang po is wala po sa COA report ng PS-DBM ang statement na may overpricing po, there’s no statement to that. The observations relate more to inventory management than overpricing,” Aguinaldo said at the start of the House hearing.

Sinabi pa ni Aguinaldo na sa ilalim ng Bayanihan 1 at RA 9184 ay exempted sa bidding ang pagbili ng masks at ppes.

Ayon naman kay Deputy Ombudsman Warren Liong, sumunod ang PS-DBM sa procurement procedure sa ilalim ng Bayanihan 1.

“Even in regular competitive bidding, we do not require submission of General Information Sheet of the corporation nor do we require visitation in the offices.”

Sinabi pa ni Liong na nakadepende ang presyo sa supply.

“But we cannot afford not to buy dahil buhay ang nakasalalay,” dagdag pa niya.

Lumabas din sa pagdinig na kumpletong  nai-deliver ng Pharmally ang mga facemask.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.