AFP, WALA PANG KUMPIRMASYON SA ULAT NG JAPAN NA TERROR ATTACK SA SOUTHEAST ASIA

Walang kumpirmasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ulat ng Japanese government ukol sa posibleng terror attack sa mga bansa ng Southeast Asia.

“As of now, we have not received any report. We constantly validate all reports on security matters and it is a continuous process,” pahayag ni Colonel Ramon Zagala, tagapagsalita ng AFP.

“As per last review, our threat level is moderate,” dagdag pa ni Zagala.

Sinabi rin ni Zagala na sineseryoso nila ang nasabing impormasyon.

Wala rin umanong natanggap na ulat ang Philippine National Police (PNP), pero nananatili silang nakaalerto laban dito, ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

Ang Department of Foreign Affairs ay hindi pa rin opisyal na nasasabihan tungkol sa babala.

“The DFA has not been officially informed about this matter. Travel alerts for a country’s citizens are usually not officially notified to other countries, however, this type of information may have been shared among intelligence agencies,” ayon sa DFA.

Nabunyag ang nasabing ulat matapos magpadala ng babala ang Japanese Government sa mga mamamayan nito na nasa Southeast Asian nations ukol sa natanggap na ulat sa posibleng terror attack.

“We confirm that the Japanese government has received information about a possible terror attack, but we cannot give you any detailed background at the moment.” pahayag ng Japanese embassy sa Maynila.

Nagbigay din ng babala ang embahada sa kanilang mga residente na naninirahan sa bansa.

Bukod sa Pilipinas ay nabanggit din sa nasabing terror attack ang mga bansang Indonesia, Singapore,Malaysia, Thailand at Myanmar.

(Toni Tambong)

Leave a Reply

Your email address will not be published.