300K PINOY,  NAGHIHINTAY PA RIN SA 2nd DOSE NG SPUTNIK V

Nangangamba si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa kakulangan ng suplay ng Sputnik V COVID-19 vaccines para sa second dose ng mga naturukan nito.

Sinabi ni Rodriguez na nasa 300,000 mga Pilipino ang naghihintay pa rin para sa kanilang second dose ng nasabing bakuna.

Sa bilang na ito, mahigit 12,000 tao ang nasasakupan niya sa Cagayan de Oro City.

“I have more than 12,000 of these vaccine takers who received their first jab in June and who were supposed to get the second shot in July. It is now September and there is still no supply,” pahayag ni Rodriguez.

“Our constituents were forced to take Sputnik V because no other vaccine was available. But now they are in limbo and in fear. The government has left them hanging,” giit pa ni Rodriguez

Ayon pa sa Kongresista na dapat nang magbigay ng pahayag ang gobyerno para mawala ang pangamba ng publiko ukol dito.

“They should say so if our people will get Pfizer, Moderna, AstraZeneca, or another jab as their second shot, or if they would repeat their vaccination all over again,” dagdag pa ni Rodriguez.

Matatandaang noong August pa ang huling deliver ng Sputnik V sa bansa na inilaan para sa second dose ng ilang naturukan nito.

(Toni Tambong)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.